Living for a Purpose

Saturday, April 23, 2005

Birthdays and conflicts

Grabeeeee!!!!! Nag-birthday ba ako???? Parang hindi ko na-feel! Parang hangin lang siyang dumaan sa harapan ko. Tapos, yung only person that I was hoping would greet me, deadma!!! Kasi naman, nangyari pa yung argument namin on the eve of my birthday pa! Pinagalitan ko e. Affected siguro, di niya akalaing magagalit ako sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin, ever! Ang sakit pala nun! Ang dami niyang hurts in the past e.... yung mga officemates ko, sabi nila ganun na talaga siya. But I don't believe that. I want to uncover what's in his heart, what he thinks, what he FEELS!!!! Kelangan niya ng healing and understanding and LOVE!!! He especially needs also to learn how to love and be loved.

Ayoko sanang pa-affect sa kanya on my special day, e kaso I can't help it. I want to get out of this. Sana iba na lang ang gusto ko. Sana hindi na si Spiderman... sana si Tigger na lang! Waaahhh!!! Lord, ayoko na! Shield my heart from further hurt! Ayoko ng magmahal..... :`(

The upside of my birthday was.... a lot of my friends greeted me!!!! I realized how special I was and how good God is, that he sent me a lot of these people to lift up my spirit and soothe the pain of my bruised heart.

The only gift I'm begging from God now is to send me a special person who will cherish me and love me, and soothe all my pain and weariness. Luvyu!!!!

Tuesday, April 19, 2005

Poison in our team....

I've never seen such unprofessionalism in my entire stay in the industry. I have been to different places, met different kinds of people -- from meek to maangas -- but none as rude as Poison Ivy. He would give rude remarks, he would do things as he pleases, without informing us. Parang siya lang yung tao sa team, ni hindi niya kami kino-consult and walang pakundangan kaming iniiwan. The team is slowly being demoralized because of him. I don't know what else we can do to thim. HEEELLLPPP!!!!!

Sunday, April 17, 2005

thank you for your love

Grabe, ilang weeks din akong hindi nakasulat dito. Ang dami ring mga nangyari! Ayan na naman si Spiderman, nagpapaka-gentleman na naman siya. Parati na kaming sabay umuwi ngayon. So, everyday, parating siya ang una kong nakikita dahil sa morning meeting namin, tapos siya rin yung kasama ko pauwi lalo na pag late kami umuwi. Hahaha! Hay naku, hindi kaya kami magkasawaan nito?

Pero these days, lalo kaming nagiging close. Parati na kaming nagkakasama pag weekends.

Last week, galing akong Tagaytay. Ang dami kong pasalubong! E sobrang bigat.... naisipan kong idaan yung iba sa office. E nandun pala siya.... so, we ended up eating some of the buko pie na uwi ko, tapos nag-dinner pa kami. Ang dami naming napag-usapan! Hay naku, swak kaya siya sa essentials ko? So far ok naman siya...well, sana hindi ako nagiging biased.

Kanina naman, di ko akalaing papasok siya! E kagabi sinabi niya sa amin na hindi siya papasok e, tapos papasok din pala siya. Ayun, nung tinext ko siya na nasa theater singing class ako, sumagot nga siya na nasa office siya to check some emails. Nagpapanic pa nga ako kung anong gagawin ko e. Tinext ko pa sina Cerise and France kung anong gagawin e. Eventually, nagpunta rin ako ng office, pero hindi ako nagpunta sa floor nila; nahihiya na yata ako e. Well, at least, sinundo niya ako sa cube ko nung tapos na siyang mag-work. At, dinala pa niya yung CD niyang puno ng mga mp3s.

Panalo na naman siya sa akin! :)

Lord, thank you for giving me a lot of love in my life today.But let me always be reminded that Your love is the one which ultimately satisfies me. Amen.