thank you for your love
Grabe, ilang weeks din akong hindi nakasulat dito. Ang dami ring mga nangyari! Ayan na naman si Spiderman, nagpapaka-gentleman na naman siya. Parati na kaming sabay umuwi ngayon. So, everyday, parating siya ang una kong nakikita dahil sa morning meeting namin, tapos siya rin yung kasama ko pauwi lalo na pag late kami umuwi. Hahaha! Hay naku, hindi kaya kami magkasawaan nito?
Pero these days, lalo kaming nagiging close. Parati na kaming nagkakasama pag weekends.
Last week, galing akong Tagaytay. Ang dami kong pasalubong! E sobrang bigat.... naisipan kong idaan yung iba sa office. E nandun pala siya.... so, we ended up eating some of the buko pie na uwi ko, tapos nag-dinner pa kami. Ang dami naming napag-usapan! Hay naku, swak kaya siya sa essentials ko? So far ok naman siya...well, sana hindi ako nagiging biased.
Kanina naman, di ko akalaing papasok siya! E kagabi sinabi niya sa amin na hindi siya papasok e, tapos papasok din pala siya. Ayun, nung tinext ko siya na nasa theater singing class ako, sumagot nga siya na nasa office siya to check some emails. Nagpapanic pa nga ako kung anong gagawin ko e. Tinext ko pa sina Cerise and France kung anong gagawin e. Eventually, nagpunta rin ako ng office, pero hindi ako nagpunta sa floor nila; nahihiya na yata ako e. Well, at least, sinundo niya ako sa cube ko nung tapos na siyang mag-work. At, dinala pa niya yung CD niyang puno ng mga mp3s.
Panalo na naman siya sa akin! :)
Lord, thank you for giving me a lot of love in my life today.But let me always be reminded that Your love is the one which ultimately satisfies me. Amen.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home